Key points at a glance

In 2025, many players are engaging in various games that not only provide entertainment but also enhance their discernment skills.

The most popular games

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Anti-Cybercime Group (ACG) para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa tatlong natukoy na nasa likod ng pagpapakalat ng isang lumang video hinggil sa isang tauhan ng HPG na sangkot umano sa pangongotong sa Pasay City

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, PLt. Nadame Malang, 2018 pa ang kumakalat na video habang ang pulis na sangkot dito ay 2019 pa nasibak sa serbisyo.

Kasunod nito, umaapela si Malang sa publiko na maging mapanuri sa mga nakikitang video sa social media at iulat sa mga awtoridad kung makakakita ng kaduda-dudang video upang agad maaksyunan. | ulat ni Jaymark Dagala

Binoldyak ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kumakalat na viral video sa social media kung saan inaresto ang isang miyembro nito dahil sa kaso ng pangongotong.

Ayon kay PNP-HPG spokesperson Lt. Nadame Malang, recycled na ang video dahil noon pang 2018 nangyari ang insidente at nasibak na rin sa tungkulin ang sangkot na pulis noong 2019.

Inaresto ng kanyang mga kabaro ang dating PNP-HPG personnel sa entrapment operation sa Pasay City matapos itong ireklamo ng pangongotong.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang PNP-HPG sa Anti-Cybercrime Group para tugisin ang mga nagmamay-ari ng apat na Facebook account na nagpakalat ng lumang video na nagbibigay umano sa publiko ng misinformation.

Muling nanawagan ang PNP-HPG sa publiko na huwag agad maniwala sa mga nakikita o napapanood sa social media, ugaliing magberipika at buksan ang mga lehitimong social media page o website para hindi mabiktima ng panlilinlang na ginagawa ng online. (Edwin Balasa)